DOJ may babala sa nagbibigay proteksyon kay alyas ‘Bikoy’

0
40

Binalaan ng Department of Justice o DOJ ang mga nagkakanlong at nagbibigay proteksyon kay Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, mahaharap sa criminal liability ang mga protektor ni Advincula lalo’t umamin itong nagkaroon siya ng partisipasyon sa illegal drug trafficking.

May mga pending warrant of arrest din umano si Advincula dahil sa iba’t ibang kasong kinakaharap nito.

Kaugnay nito, may ikinakasa nang imbestigasyon ang National Bureau of Investigation sa nasabing mga kaso ni Bikoy.

Ipinabatid din ni Guevarra na pinagaaralan na ng ahensya kung ipa-i-imbestiga rin nila sa NBI ang ibinunyag ng Malakaniyang na panibagong “Ouster Matrix” laban sa administrasyong Duterte.