Pagsasara ng POGO outlet dapat muna pagisipan – Lorenzana

0
50

Dapat munang isailalim sa masusing pag aaral ang pagbabawal sa POGO o Phil. Offshore Gaming Operations sa bansa.

Ito ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, kung saan tiniyak nitong makikibahagi siya sa Assessment ukol sa operasyon ng POGO sa bansa.

Matatandaang, binalot ng tensiyon ang paglipana ng POGO sa bansa matapos ika-alarma ni Lorenzana ang pagtatayo ng POGO HUBS malapit sa mga Kampo Militar.

Aniya, posibleng kasing magamit ng China ang mga naturang POGO HUBS sa pang-iispiya.

Gayunman, sinabi rin ng kalihim na hindi dapat magpadalos-dalos ang pamahalaan sa mga hakbang na ipatutupad nito kaya’t makakasama ang economic team ng gobyerno at ang pagcor sa isasagawang Assessment upang matukoy ang tamang aksyon ng pamahalaan sa POGO.

Dagdag pa ni Lorenzana, malaki naman ang naiiambag ng pogo sa ekonomiya ng bansa kaya’t dapat na busisiin ito ng mga otoridad.