35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Pagsasapubliko ng narco-list ipauubaya kay Pangulong Duterte

- Advertisement -

“Bahala na si Pangulong Rodrigo Duterte kung isasapubliko o hindi ang listahan ng mga politikong sangkot sa iligal na droga.”

Iyan ang naging tugon ng PNP o Philippine National Police kasunod ng magkakasalungat na pahayag ng DILG o Department of Interior and Local Government gayundin ang Comelec o Commission on Elections hinggil dito.

Samantala, pinaboran naman ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang balak ni DILG Secretary Eduardo Año na isapubliko ang naturang listahan basta’t ito ay kumpirmado na at naisailalim na sa masusing validation.

Magugunita namang tutol ang Comelec na ilabas ang narco list sa publiko sabay giit na dapat na sampahan na lamang ng kaso ang mga politikong sangkot dito.

Samantala, hindi muna maglalabas ng komento ang panig ng DILG at ng PDEA habang nagpapatuloy pa ang pagpupulong hinggil dito at balidasyon ng nasabing listahan.

with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)

DILG posibleng maharap sa administrative complaint at libel 

Posibleng maharap sa administrative complaint at kasong libelo ang DILG o Department of Interior and Local Government dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan kapag isinapubliko ang narco list o listahan ng mga politikong sangkot umano sa iligal na droga.

Ito’y ayon kay Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon hinggil sa plano ng DILG at ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na isapubliko ang naturang listahan bago magsimula ang kampanya ng mga local candidates.

Mas Dapat aniyang gawin ng dilg na ipaghanap ng kaso ang mga kandidatong sangkot sa drug trade.

Samantala, hinimok din ni Senadora Nancy Binay ang DILG na kasuhan ang mga nasa narco list sa halip na isapubliko ang mga pangalan nito.

with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -