Saturday, May 18, 2024

Pagsasapubliko ng ‘narco-list’ asahan na anumang araw

- Advertisement -

Nakatakda nang isapubliko anumang araw ng Department of Interior and Local Government o DILG ang tinaguriang ‘narco-list’.

Ito ang listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga halal na opisyal ng pamahalaan na sangkot umano sa kalakalan ng iligal na droga.

Ayon kay DILG Spokesman at Undersecretary Jonathan Malaya, handa na rin ang kanilang legal department sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga mapapasama sa ‘narco-list’.

Ang pagsasapubliko anya ng listahan ay magsisilbing gabay sa mga botante kung sino ang dapat nilang piliin sa halalan.

Nanindigan naman si Malaya na ligal at dumaan sa tamang proseso ang kanilang validation sa ‘narco-list’ at nagpapatuloy ito hanggang ngayon.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -