Saturday, May 18, 2024

Pagsasampa ng kasong kriminal sa mga ‘narco-politician’ pinag-aaralan na

- Advertisement -

Pinag-aaralan ng National Bureau of Investigation (NBI) kung maaaring sampahan ng kasong kriminal ang mga pulitikong kabilang sa ‘narco-list’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito, siniguro ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mabibigyan ng patas na imbestigasyon ang naturang mga pulitiko.

Anya, bibigyan din ng sapat na panahon ang mga tinaguriang ‘narco-politician’ na idipensa ang kanilang mga sarili.

Samantala, nakikipag tulungan na ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Anti – Money Laundering Council (AMLC) at Presidential Anti – Corruption Commission (PACC) para ma trace ang pag galaw ng pera ng naturang mga pulitiko at para mas matibay pa ang kasong kinakaharap ng mga ito.

Bukod aniya sa naunang 46 inbiduwal ay mayroon pang limampung (50) nasa listahan ang sinusuri pa sa ngayon ng mga awtoridad.


Ombudsman’s investigation

Umapela naman ang Philippine National Police (PNP) sa mga pulitikong kabilang sa inilabas na ‘narco-list’ na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman.

Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Bernard Banac, pagkakataon ito ng naturang mga pulitiko para malinis ang kanilang pangalan.

Bibigyan aniya ng tiyansa ng Ombudsman ang mga pulitiko sa ‘narco-list’ na ipaliwanag ang kanilang panig at pabulaanan ang mga akusasyon laban sa kanila.

Matatandaang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 46 na mga pulitikong may kaugnay sa operasyon ng iligal na droga.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -