29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Pagsasampa ng kaso vs. 10 LGUs itutuloy ng DILG

- Advertisement -

Tuloy ang pagsasampa ng kaso ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa 10 local government units (LGUs) sa Ombudsman.

Ito ay makaraang mabigo ang mga ito na sumunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na 60-araw na deadline para sa clearing operations.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, binabalangkas na rin ng DILG ang memorandum circular na naglalayong ipagpatuloy ang matagumpay na nasimulan ng naturang operasyon.

Aniya, magiging hamon para sa mga LGUs na panatilihing malinis at maayos ang mga kani-kanilang kalsada at bangketa.

Samantala, iniurong na sa Pebrero ang validation na itinakda sana ngayong buwan ng Disyembre.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -