33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pagsasahimpapawid ng PTV-4 lilimitahan matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado nito

- Advertisement -

Pansamantalang lilimitahan ng People’s Television Network (PTV)  ang kanilang operasyon at mga programang ibo-broadcast ng live.

Ito ay matapos na makapagtala ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa kanilang mga empleyado.

Batay sa ipinalabas na pahayag ng network, magsasagawa ng total disinfection sa kanilang opisina at lahat ng pasilidad sa Quezon City.

Bilang bahagi rin ng kanilang proactive measures, karamihan ng mga empleyado ay inatasan munang mag work from home habang isasailalim naman sa RT-PCR test ang kanilang mga broadcast operations personnel.

Magbabalik ang regular programming ng PTV-4 bago o mismong sa Agosto 17.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -