Pagsasagawa ng demonstrasyon sa Labor Day karapatan ng bawat isa ayon sa Palasyo

0
44

Malaya ang sinuman na magsagawa ng kilos protesta ngayong Araw ng Paggawa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, karapatan ng mga raliyista na magsagawa ng pagkilos at magpahayag ng kanilang damdamin.

Taon-taon naman anyang sinasabayan ng kaliwa’t kanang kilos-protesta mula sa iba’t ibang grupo ang Labor Day.

Una na ring inanunsyo ng Manila Police District na asahan ang pagbagal ng trapiko sa mga kalsada malapit sa pagdarausan ng mga demonstrasyon tulad sa Morayta at Mendiola.

(with report from Jopel Pelenio)