Pagsasa-ayos ng listahan ng mga napalaya sa GCTA minamadali na

0
12

Minamadali ng Department of Justice (DOJ) at ng mga prison authorities ang pagsasa-ayos sa listahan ng mga bilanggong napalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito ay matapos lumampas sa 1,914 ang bilang ng mga sumukong bilanggo sa mga otoridad.

Ayon kay Justice undersecretary Markk Perete, isinasapinal at patuloy nilang bine-beripika ang naturang listahan.

Matatandaang, setyembre 4 ng ipataw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 15 araw na ultimatum para sumuko ang mga bilanggong napalaya sa ilalim ng GCTA law.