Pagsama sa pangalan ni Duterte sa hitlist ng NPA fake news

0
15

Tinawag na fake news ng Malakanyang ang pagkakasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hitlist ng new people’s army (NPA).

Ito ay makaraang ibunyag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na kasama siya sa naturang listahan maging ang pangulo at si DILG Secretary Eduardo Ano.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, itinanggi naman ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison ang naturang listahan kung kaya’t maaaring nabigyan lamang ng maling impormasyon si Esperon.

Iginiit rin ni Panelo na nakahanda parin ang pamahalaan sakaling may banta ng pag atake ang rebeldeng grupo.