Pagresolba sa mga kaso ng karahasan ipinanawagan ng CHR sa pamahalaan

0
59

Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang gobyerno na aksyunan ang mga kaso ng karahasan sa pamamagitan ng pag-iimbestiga sa serye ng pagpatay sa mga lokal na opisyal.

Ito ang panawagan ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia matapos ang pamamaril at pagpatay ng mga hindi nakilalang lalaki si Sudipen, La Union Mayor Alexander Buquing, noong Lunes ng gabi.

Ayon kay De Guia, dapat seryosong resolbahin ng pamahalaan ang lumalaganap na “culture of impunity” lalo ang mga high profile case.

Nagpadala na aniya ang CHR ng quick response team sa Ilocos Region upang imbestigahan ang krimen.

Si Buquing na ang ika-17 elected official na napatay sa ilalim ng Duterte administration.