Sunday, May 5, 2024

Pagregulate sa mga int’l streaming sites isinusulong ng MTRCB

- Advertisement -

Humihirit ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa senado na bigyan sila ng regulatory power sa mga online streaming services gaya ng Netflix, Amazon Prime at Iflix.

Paliwanag ni MTRCB Legal Affairs Chief Jonathan Presquito, nais kasi nilang masuri ang nilalaman ng bawat palabas na mapapanood sa online streaming.

Dapat din aniyang magparehistro ang mga ito sa MTRCB at magbayad ng mga kinauukulang buwis.

Iginiit pa nito na sa ilalim ng batas ay may hurisdiksyon ang MTRCB sa lahat ng mga pelikula o programa na mapapanood sa anumang paraan sa bansa.

Samantala, hindi naman nagbigay ng malinaw na pahayag ang mga senador hinggil sa naturang usapin gayung komplikado anila ito at kailangan pang pag-aralan mabuti.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img