Pagpopondo ng EU sa mga front organization ng CPP pinatitigil na

0
39

Pormal nang hiniling ng Pilipinas sa European Union (EU) na putulin na ang pagpopondo nito sa may 10 ngo o non-government organizations (NGOs) na una nang nabunyag na front ng CPP-NPA at NDF.

Binigyang diin ni National Security Adviser Hermogenes “Jun” Esperon sa ipinadala nitong liham kay EU counter terrorism coordinator Gilles de Kerchove (Keshov) na ginagamit lamang ang ipinadadala nitong donasyon sa mga nasabing grupo para ipalaganap ang terrorismo sa Pilipinas.

Partikular na tinukoy ni esperon ang mga grupo na ginagamit ng mga komunista ang Ibon Foundation, Kilusang Mayo Uno, Gabriela, Alliance of Concerned Teachers, Karapatan, Alliance of Health Workers, Minadao Inter-Faith Services Foundation.

Gayundin ang Rural Missionaries of the Philippines, Alternative Learning Center for Livelihood Development at Salugpungan Ta’tanu Igkanugon Community Learning Center.

Maliban sa terrorismo, sinabi ni Esperon sa kaniyang liham sa eu na ginugugol din ang donasyong pondo para gamitin sa pagre-recruit ng mga kabataan at pagsamantalahan ang kanilang kahinaan ng mga katutubo para magtanim ng galit sa gubyerno at akiting sumapi sa kilusan.

Ginawa ito ng pamahalaan makaraang wakasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang prosesong pangkapayapaan sa CPP-NPA central committee sa halip ay isulong ang localized peace talks sa mga rebelde sa kabundukan.