Pagpatay sa isang record keeper ng BuCor walang kinalaman sa pagpapatupad ng GCTA — DOJ spox

0
59

Walang kinalaman ang nangyaring pagpatay sa isang record keeper ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ito ay ayon kay Justice Spokesperson at Undersecretary Mark Perete.

Matatandaang noong Martes ay binaril si BuCor documents section assistant chief Ruperto Traya Jr. ng hindi pa nakikilalang suspek.

Aniya, gumugulong na ang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ni Traya.

Base raw sa inisyal na report ay mukang wala naman kinlaman ang pagbaril kay Traya sa GCTA.