Pagpasok nang mas maaga sa 8:30AM sa paaralan nais ipagbawal

0
45

Nais ipagbawal ng isang kongresista ang pagpasok sa paaralan nang mas maaga sa 8:30 ng umaga.

Ang panukalang batas ay isinumite ni Bacolod Congressman Greg Gasataya.

Ayon kay Gasataya, mas makakabuti ito sa mga kabataan lalo na sa rural areas na malayo ang paaralan mula sa kanilang tahanan.

Maliban dito, hindi lamang ang bata ang nabebenepisyuhan kundi maging ang mga magulang na maaga ring gumising para ihanda ang anak na papasok sa paaralan.