Pagpapautang ng mga bangko bumaba, bumagal nitong Agosto

0
70

Sumadsad ang ekonomiya ng Pilipinas sa 16.5% nitong ikalawang bahagi ng taong kasalukuyan.

Ito ang inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na siyang pinakamalala mula noong taong 1981.

Ayon sa BSP, bunsod na rin ito ng mabagal at huminang paglago ng mga nagpapautang na bangko.

Batay sa ulat, 4.7% lang ng itinubo ng mga utang ng universal at commercial banks nitong Agosto.

Mas mabagal ito kumpara sa naitalang 6.7% nito lang Hunyo dahil sa mababang loan demand.

Marami ring bangko ang hindi nakipagsapalaran sa COVID-19 pandemic kaya’t nakapagtala ito ng mahinang performance.