Pagpapatupad ng total mining ban sa buong bansa muling binuhay ni Pangulong Duterte

0
51

Muling binuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagpapatupad ng total mining ban sa buong bansa kasunod ng dalawang insidente ng landslide sa Itogon, Benguet at Naga City, Cebu.

Ayon kay Pangulong Duterte, posibleng maulit pa ang mga naturang trahedya kapag hindi naisa-ayos ang problema sa pagmimina.

Iginiit ng pangulo na maari namang makuha sa ibang sources ang kita ng gobyerno na 70 billion pesos mula sa mining industry.

Inamin naman ng pangulo na hindi ito magiging madali lalo’t siguradong kokontrahin ito ng kanyang mga economic managers.