Pagpapanagot sa mga mapatutunayang nagpabaya sa aberya sa LRT-2 tiniyak — DOTr

0
45

Tiniyak ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagpapanagot sa lahat ng mapatutunayang nagpabaya sa nangyaring salpukan ng dalawang (2) tren ng LRT line 2.

Ayon kay Tugade, kanya nang iniatas ang masusing imbestigasyon sa pinagmulan ng insidente.

Kasabay nito, nangako si Tugade na hindi mauulit pa ang katulad na insidente sa LRT-2.

Una nang inamin ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na malaki ang naging epekto sa kanilang serbisyo ng nangyaring banggaan lalo’t kakaunti na lamang ang kanilang mga tren.

with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)