Pagpapalabas ng 6 buwang pensyon ng mga Senior Citizen aprubado na ng DSWD

0
22

Inaprubahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapalabas ng anim na buwang pensyon ng senior citizens.

Ini-anunsyo ito ni Senior Citizens Partylist representative Francisco Datol Jr. na syang humiling nito sa DSWD.

Ayon kay Datol, napag-alaman nya sa DSWD na na-download na sa Landbank of the Philippines ang pondo para sa anim na buwang pensyon ng halos 10-milyong senior citizens simula ng Abril.

Maliban dito, ilalabas na rin anya ng DSWD ang pondo para sa halos 4-milyong senior citizens na hindi nakakuha ng pensyon nuong nakaraang buwan.