29 C
Manila
Tuesday, January 18, 2022

Pagpapakawala ng tubig ng mga dam sa Luzon di dapat ikabahala—PAGASA

- Advertisement -

Walang dapat ikabahala ang mga residente na malapit sa mga dam sa kabila ng pagkakapawala ng tubig ng mga ito bunsod nang walang tigil na ulang dala ng habagat.

Ayon kay Richard Orendain ng PAGASA-Hydrometeorology Division, maliit ang mga gate at normal ang daloy ng tubig sa mga dam.

Kabilang sa mga nagpakawala ng tubig ang Ambuklao sa Benguet at San Roque sa Pangasinan.

Gayunman, kailangang i-monitor ng mga residente sa paligid ng San Roque, na pinakamalaking dam sa Pilipinas ulan at manatiling nakaalerto.

Kabilang sa mga dapat mag-monitor at manatiling alerto ang mga residente sa mga bayan ng San Manuel, San Nicolas, Tayug, Asingan, Santa Maria, Villasis, Alcala, Bautista, Rosales at Bayambang.

—-

 

 

 

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -