Pagpapagawa ng mga bagong imprastraktura sa bansa may go-signal na ng NEDA

0
16

Binigyan na ng go-signal ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapagawa ng mga bagong imprastraktura, daan at tulay sa bansa.

Kabilang na rito ang konstruksyon ng Metro Rail Transit-4 (MRT-4) na nagkakahalaga ng higit P57-bilyong.

Ayon sa NEDA, kasama na rin dito ang EDSA Greenways Project, Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, Coastal Road Construction Project, Capas-Botolan Road Project at iba pa.

Tatakbo ang 15.56-kilometer elevated Monorail Transit System ng MRT-4 mula N-Domingo sa Quezon City hanggang sa Taytay-Diversion Road-Manila East Road sa Taytay.