Pagmamadaling ilabas ang Road Users’ Tax may kinalaman sa 2019 elections — Diokno  

0
42

Naniniwala si Budget Sec. Benjamin Diokno na may kinalaman sa darating na eleksyon ang pagnanais at pagmamadali ng mga kongresista na mailabas ang Road Users’ Tax.

Ayon kay Diokno, ayaw pakawalan ng mga konresista ang Road Users’ Tax dahil nagkakahalaga ito ng P45 billion kung saan dito aniya nanggagaling ang pondo para sa mga road maintenance projects na ginagamit sa panahon ng eleksyon.

Dagdag pa nito, ang Road Users’ Tax aniya ang dahilan kaya hindi naipasa sa takdang panahon ang 2019 national budget.

Nilinaw naman ni Diokno na siya mismo ang nagrekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na lamang ang Road Board na siyang nangangasiwa sa Road Users’ Tax dahil sa isyu ng mga tiwaling opisyal.