Sunday, May 12, 2024

Paglulunsad ng isang pambansang welga ibinabala ng iba’t ibang transport groups

- Advertisement -

Pambansang welga ng mga jeepney ang susunod na ilulunsad ng iba’t ibang grupo ng transportasyon sa bansa.

Ito ang ibinabala ni Efren De Luna, pangulo ng ACTO o Alliance of Concerned Transport Organizations sakaling hindi pa rin pakinggan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kanilang hinaing.

Sinugod ng ACTO kasama ang mga miyembro ng PISTON ang LTFRB upang makipag diyalogo hinggil sa jeepney modernization.

Nilinaw ni De Luna na hindi sila tutol sa jeepney modernization kundi sa mga inilatag na alintuntunin kung paano sila makakakuha ng pinansyal na tulong para makabili ng modernong jeepney.

Ayon kay De Luna, marami sa mga maliliit na jeepney operators at drivers ang nangangamba na tuluyang mawalan ng hanapbuhay dahil marami sa mga tumatakbo ngayong modernong jeepney ay pag aari ng mga negosyanteng bagong pasok lamang sa sektor ng transportasyon.

Kaya nga nangangamba kami kasi matatapos na yung term na binigay nila na 3 years term na para sa PUV modernization, ay kahit isa sa amin sa buong Pilipinas na iba’t ibang samahan, wala pa namang nagsisimula. Kaya yung mga nakikita natin sa telebisyon, yan yung mga bagong mukha na sinasabi ng mga negosyante na hindi nagmumula dito sa pinangakuan nila na tutulungan.” — Pahayag ni Efren De Luna, ACTO President.

(Balitang Todong Lakas interview)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -