Baguio City – Ang pagtitinda at mga nagtitinda ay ipinagbabawal sa loob ng sementeryo at sa labas nito sa panahon ng paggunita ng Araw ng Mga Kaluluwa at the Araw ng mga Santo o Todos Los Santos sa lungsod ng Baguio.
Ang pagbabawal ng pagtitinda ay ipapatupad sa pribadong libingan tulad ng kolumbarium at ng pampublikong libingan sa panahon ng pagbisita mula Oktubre a 31 hangang Nobyembre a tres ng taong ito. Ito ang binigyang diin ng mga kasapi ng Oplan Kaluluwa 2023 committee sa ginanap na pagpupulong nito noong lunes at ang plano at alituntunin ay isinapinal na para sa maayos at mapayapang paggunita ng Undas.Â
Samantala, sinabi ni Assistant City Treasurer Fernando Ragma Jr. na ang kanyang opisina ay isinasapinal na ang documentary prosesso para sa pagpapalabas ng Special Permit para sa maglalako ng bulaklak at ng kandila kaugnay sa undas.
Sa kaugnay na balita, hinihikayat ng Committee ang publiko na mag umpisa ng maglinis ng mga libingan ng kanilang mahal sa buhay hangang Oktubre a 30 upang maiwasan ang pagsisiksikan at ng trapiko.
Sa darating na Oktubre a 31, ipinagbabawal ang pagdadala ng matatalim na bagay sa paglilinis at ng iba pang mga bagay tulad ng alak, baril, nakakasunog na bagay, gamit sa pagsusugal at ng at loudspeakers. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio PIO)