27.2 C
Manila
Sunday, March 3, 2024

Paglinis sa pwesto ng mga manininda sa Baguio night market pagkatapos magtinda pinapurihan ni Mayor Magalong

- Advertisement -

Baguio City – Pinapurihan ni Mayor Benjamin Magalong ang mga manininda sa night market sa kanilang pagkakaloob ng mahabang oras upang gawin ang kanilang obligasyon na maglinis araw-araw sa kahabaan ng Harrison Road, Baguio City bago at matapos sa kanilang pagtitinda.

Iniulat ni Market Superintendent Ceasar Emilio na bago magtakimsilim, ang mga food concessionaires sa pangunguna ng pinuno nito na si Sisinando Monderin sa pakikipagtulungan ni AZCKO punong barangay Jeffrey Cheng na pumayag na gamitin na libre ang kanyang water delivery truck upang umigib ng tubig upang bombahin ang buong parking area upang mapanatili itong malinis at maging kaigaigaya ito sa pang-amoy ng tao.

Samantala, hinikayag ni Emilio ang mga mamimili sa gabi na makipagtulungan sa pagtapon ng kanilang basura sa tamang tapunan ng basura para sa ganon ay maramdaman niyang kasiyasiya at walang kaabahalan ang kanilang pamimili.(Joel Cervantes |Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio City)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -