Baguio City – Agad nagsagawa ng drainage repair ang City Engineering Office Maintenance Division sa Calla Lily Street, Fairview matapos na makatanggap ng report mula sa isang concerned citizen na nagsabi na may butas sa nasabing daan at maaaring itong makadisgrasya sa mga dumadaan doon.
Nagpadala kaagad si City Engineering Office Maintenance Division Chief Engineer Richard Lardizabal ng isang team upang tignan ang nasabing lugar at nakita nila ang isang parte ng daan na palubog ito dahil sa nasirang drainage line.
Agad naglagay ng pansamantalang harang at caution tape o tape na nagbibigay babala sa nasabing daan na maaari lamang itong daanan ng one way basis na katuwang ang mga barangay tanod sa pagmamando ng trapiko sa naturang kalsada. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City PIO)
