31.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Paglikha ng strategic national reserve sa mga medical supplies sa bansa iminungkahi

- Advertisement -

Iminungkahi ni Deputy Speaker at Surigao Del Sur Representative Johnny Pimentel ang paglikha ng strategic national reserve upang mag-imbak ng critical medical supplies sa bansa.

Paliwanag ng mambabatas, ito ay para matiyak na may reserba na ang pamahalaan ng mga kakailanganing medical supplies, pharmaceutical devices at equipment sakaling magkaroon muli ng outbreak ng sakit sa Pilipinas gaya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ngayon kasi aniya, nagkukumahog ang mga ospital sa bansa na makakuha ng mga suplay ng personal protective equipment (PPEs), N95 respirators, aerosol boxes at contraptions upang maisalba ang mga buhay ng pasyente na tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, mahalaga aniya na makapagtatag ang gobyerno ng national reserve ng mga medical supplies bilang paghahanda sa pagtugon ng mga bago at large-scale disease outbreaks sa hinaharap.

Samantala, kasama rin sa iminungkahing strategic reserve ang pagkakaroon ng mga materyales na kakailanganin sa pagtatayo ng mga temporary medical stations.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -