Paglalagay ng hospital na mangangasiwa sa COVID-19, planong itayo sa Luzon

0
24

Plano ng Department of Health (DOH) na maglagay din ng dedicated hospital sa mga rehiyon para sa mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kapag naging epektibo ang ganitong sistema sa Metro Manila ay palalawigin nila ito sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Target aniya nila na maging operations sa susunod na linggo ang UP PGH at Jose Rodriguez Memorial Center bilang dedicated hospitals para sa COVID-19.