Inilunsad na ng Philippine National Police o PNP ang simultaneous ‘clean rider sticker’ campaign.
Ginawa ang grand launching sa Quirino Grandstand ngayong araw.
Sitwasyon sa Quirino Grandstand kaugnay sa paglalagay ng sticker sa mga motorsiklo | via @gilbertperdez pic.twitter.com/kAg2GnDFmX
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 31, 2018
TINGNAN: Grand launching ng paglalagay ng stickers sa mga motorsiklo na nagaganap ngayon sa Quirino Grandstand sa pangunguna ng PNP. | via @gilbertperdez pic.twitter.com/xsbM1Q4Iwh
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 31, 2018
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, layon nitong bawasan kung hindi man tuluyang matigil ang pag-atake ng mga riding in tandems.
Aniya, boluntaryo lamang na paglalagay ng sticker at hindi pipilitin ang motorista na maglagay nito.
Ang motorsiklong mayroong clean rider sticker ay maluwag na palalampasin sa mga checkpoint at hindi rin magiging suspek ang rider sakaling magkaroon ng krimen sa kanyang lugar.
Binigyang diin ni Albayalde na libreng makukuha ang mga sticker basta magtungo lamang sa pinakamalapit na police station at ipakita ang original receipt at certificate of registration ng motorsiklo.
—-