Paglago ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa Build Build Build program —Malacañang

0
169

Naniniwala ang Malacañang na isa sa pangunahing dahilan ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay ang Build Build Build program ng gobyerno.

Ito’y matapos makapagtala ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng 6.2% na paglago ng bansa.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, malaki ang papel ng naturang programa ng administrasyong Duterte sa magandang ipinapakita ngayon ng ekonomiya ng bansa.

Bukod pa rito aniya, inaasahan pang magbibigay ng kaginhawaan sa publiko sa oras na matapos ang mga ginagawang major infrastructure project sa Metro Manila.

Ang mga proyekto umanong ito ang tiyak na magsusulong sa kumportable at magandang buhay ng bawat Pilipino balang araw.