Sunday, April 28, 2024

Paglagda sa IRR ng expanded maternity law ikinalugod ng Palasyo

- Advertisement -

Ikinalugod ng Malakanyang ang paglagda na sa Implementing Rules and Regulations (IRR) kaugnay sa Republic Act 11210 o expanded maternity leave law.

Nanganguhulugan ito, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, na magkakaruon na ng dagdag na quality time ang mga ina sa kanilang sanggol at maging sa kanilang pamilya.

Mapapangalagaan din aniya ang kalusugam ng ina dahil hindi mapupuwersang kaagad na mag trabaho matapos manganak.

Sinabi pa ni Panelo na makakabuti rin sa pamilya ang batas dahil pinalawig din ang paternity leave o leave ng mga ama ng tahanan.

with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)
—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -