Paglabas ng listahan ng mga kandidato posibleng gawin sa Disyembre

0
54

Naniniwala ang Commission on Elections (COMELEC) na masyado pang maaga para ideklara ang mga tinatawag na election hot spots.

Paliwanag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, sa ngayon kasi ay nakatutok pa ang kanilang pansin sa paghahain ng kandidatura ng mga nagnanais tumakbo para sa 2019 mid-term elections.

Maliban dito, isinasapinal pa rin aniya ng Pambansang Pulisya ang listahan ng mga lugar kung saan mainit ang pulitika lalo na sa panahon ng kampaniya hanggang sa mismong araw ng botohan.

Kasunod nito, sinabi ni Jimenez na posibleng sa Disyembre pa nila mailabas ang kumpletong listahan ng mga tatakbo para sa nasyunal at lokal na posisyon.

—-