Radio Philippines Network
Headlines National News

Pagkuha ng suplay ng tubig sa Angat Dam pansamantalang itinigil

Pansamantalang itinigil simula kahapon ang pagkuha ng supply ng tubig mula sa Angat Dam para sa irigasyon.

Ipinabatid ito ni Sevillo David, Jr, executive director ng NWRB o National Water Resources Board, matapos unang gawin na lamang 10 cubis meters mula sa dating 35 cubis meters ang inilaang tubig para sa irigasyon mula sa Angat Dam.

Binigyang diin ni David na hindi naman apektado ng suspensyon ng allocation ang agriculture sector dahil hindi na kailangan ng mga magsasaka ang tubig pang irigasyon kasunod nang panahon ng anihan.

Kasabay nito, sinabi ni David na patuloy na bumababa ang antas ng tubig sa Angat Dam subalit pinabagal ng mga pag ulan ang pagbaba ng water level nito.

Related posts

Mga basurang iligal na pinasok sa bansa naibalik na sa Hong Kong

Powered by DWIZ

Health expert nagbabala na ‘wag magpakampante sa rebound na kaso ng COVID-19

Powered by DWIZ

Bagyong Ompong tumama na sa kalupaan ng Baggao, Cagayan

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More