Baguio City – Patuloy ang kampanya ng Environment Management Bureau-Cordillera (EMB-CAR) sa pagkolekta ng mga electronic waste o e-waste dito sa Baguio City upang maalis ang mga panganib ng mga ito sa kalusugan at sa kapaligiran.
Ayon kay ESWM Section Chief Engr. Ricardo Dang-iw ng EMB-CAR, sa kasalukuyan ay patuloy ang pakikipag ugnayan nila sa bawat barangay dito sa Baguio para sa nasabing proyekto.
Kasama rito ang tinatawag na e-waste ket ang mga luma at sirang mga electronic devices tulad ng itinapon na mga desktops, laptops, printers, fax machines, copier machines, nasirang cellphones, chargers at iba pa.
Sinabi ni Dang-iw na noong nakaraang taon ay isinagawa din nila ang isang linggong Household E-Waste Collection na kung saan ay nakakolekta sila ng mahigit na dalawang metrikong tinoladang electronic wastes ng lungsod ng Baguio.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng PCB Management Programs for Electric Cooperatives and Safe E-Wastes Management.” Nais nito maitaas ang kamalayan at mapangalagaan ang kalusugan ng tao at ng kapaligiran mula sa mapaminsalang epekto ng mga polybrominated diphenyl ethers o PBDEs na sangkap ito ng isang klaseng basura. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio City)