Pagkasawi ng 3-year-old na bata sa buy bust ops ng PNP paiimbestigahan – CHR

0
43

Nais paimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkasawi ng tatlong taong gulang na bata sa gitna ng operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackie De Guia, may isang team na silang ipinadala sa Rodriguez, rizal para siyasating maigi kung paano nabaril ng mga pulis ang biktimang si Myka Ulpina.

Sinasabing ginawa umanong human shield si Myka ng kaniya mismong amang si Renato Ulpina at isa pa na kapwa target ng operasyon, bagay na pinabulaanan naman ng ina ng bata.

Sa nangyaring operasyon, napatay sina Renato at isa pa nitong kasamahan gayundin ang batang si Myka nang mabaril ito ng isang pulis.

Gayunman, sinabi ni De Guia na hindi basta maituturing na collateral damage kung hindi biktima ang mga menor de edad na nadadamay sa mga ikinakasang operasyon ng pulisya.