Pagkansela ng visa ni Bato ‘di isyu —Panelo, Guevarra

0
9

Hindi isyu para sa Malacañang ang pagkansela ng Amerika sa visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, karapatan ng isang bansa na piliin kung sinu-sino lamang ang puwedeng pumasok sa kanilang bansa.

Sinegundahan ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Idinagdag ni Guevarra na hindi kailangang ipaliwanag ng Amerika kung bakit nila kinansela ang visa ni Dela Rosa.