Pagkalas ng Pilipinas sa ICC ikindismaya ng CHR

0
60

Dismayado ang CHR o Commission on Human Rights hinggil sa pagkalas ng pilipinas sa ICC o International Criminal Court na epektibo na ngayong araw.

Ayon sa CHR, ang pagtalikod ng bansa sa mga international treaty obligation ang hakbang bago maging epektibo ang naturang pagkalas.

Pagtalikod din umano ito sa mga tagumpay ng Pilipinas sa pagsusulong ng hustisya at karapatang pantao.

Tila nagwagi rin umano ang impunity sa bansa.

Samantala, ayon naman sa mga nagsusulong ng karapatang pantao, isa itong dagok para sa mga pamilya ng mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.