35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pagkakaroon ng tapang, lakas ng loob para sa kalayaan mensahe ni Robredo ngayong Ninoy Aquino Day

- Advertisement -

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang publiko na magkaroon ng tapang at lakas ng loob na ipaglaban ang kalayaan kagaya ng pagtindig ni dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. laban sa diktatura.

Ito ang mensahe ni Robredo sa paggunita ngayong araw sa Ninoy Aquino Day.

Ayon kay Robredo, dapat na matutunan ng mga Pilipino ang hindi matatawarang pagmamahal sa bansa at kahandaan na ipaglaban ang demokrasya na tinatamasa ngayon ng taumbayan.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Robredo na hindi lamang si Ninoy ang dapat na pasalamatan sa demokrasya ng Pilipinas, kundi lahat ng nagbuwis ng kanilang buhay para lamang makamtam ang kapayapaan sa bansa.

Dagdag pa ng palawang pangulo, dapat na masilbi rin ang araw na ito bilang pagkilala sa mga ordinaryong Pilipino na nagsakripisyo para sa maayos at nagkaka-isang Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -