Pagkakaroon ng hiwalay na banyo para sa LGBT community iminungkahi

0
119

Iminungkahi ni 1 Pacman party-list Eepresentative Eric Pineda ang paglalagay ng hiwalay na banyo para sa LGBT community.

Kasunod na rin ito ng kontrobersya na pagpigil sa transgender na si Gretchen Diez na makagamit ng comfort room para sa mga kababaihan sa isang mall.

Sinabi ni Pineda na ang paglalagay ng hiwalay na banyo para sa LGBT community ang nakikita niyang solusyon para mawala ang takot ng mga nabibilang sa third sex sa paggamit ng palikuran.

Kasabay nito, iginiit naman ni Bataan Congresswoman Geraldine Roman ang pangangailangang maipasa na ang Sexual Orientatio, Gender Identity and Gender Expression (SOGIE) o Equality bill.

Maaari aniyang maliit ang LGBT community subalit Pilipino pa rin ang mga ito may mga karapatang dapat protektahan.

Magugunitang ang SOGIE bill ay pumasa sa kamara noong 17th congress subalit bigong umusad sa senado.