Pagkakaroon ng ‘equinox phenomenon’ sa susunod na 5-araw walang katotohanan —PAGASA

0
26

Itinanggi ng PAGASA na magkakaroon ng equinox phenomenon sa susunod na limang araw.

Ayon sa PAGASA, ang equinox ay nagaganap kapag ang sentro ng araw ay direktang nasa itaas ng equator ng mundo.

Kaakibat anila ito ng pagkakaroon ng parehong haba ng araw at gabi.

Ipinaliwanag ng PAGASA na apektado lamang ang Pilipinas sa parehong haba ng araw at gabi subalit hindi ang temperatura dahil malapit ang bansa sa equator.

Una rito, kumalat sa social media ang isang babala hinggil sa equinox phenomenon kung saan tataas umano ang temperatura ng mahigit sa 40°C na maaring maging sanhi ng sun stroke at dehydration.