Wednesday, May 8, 2024

Pagkakapasa sa Anti-Terror Law nakakapanlumo —Robredo

- Advertisement -

Nakapanlulumo ayon kay Vice President Leni Robredo ang pag-sangayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nilalaman ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon sa pangalawang pangulo, hindi sapat ang mga inilatag na safeguards sa nasabing batas at naniniwala siyang maaabuso ito ng mga taong tagapagpatupad niyon.

Inihalimbawa ni Robredo ang pagsasampa sa kaniya ng kasong sedisyon ng mga tauhan ng Criminal Invesitgation and Detection Group (CIDG) kung saan, ibinase ang reklamo sa kasinungalingan ng isang tao.

Kung nagawa aniya ito sa kaniya ng mga alagad ng batas, sinabi ni Robredo na hindi malabong magawa rin ito sa pangkaraniwang mamamayan ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img