Seguridad ng mga media personnel ginagarintiyahan din sa ilalim ng Anti-Terror Law

0
15

Tiniyak ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang seguridad ng mga miyembro ng media sa ilalim ng RA 1479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Ito’y sa kabila na rin ng mga pagtutol hinggil sa ilang mga probisyon sa nasabing batas na sumisikil umano sa karapatan ng bawat tao na makapaghayag ng kanilang saloobin at malayang pamamahayag.

Ayon kay PTFOMS Executive Director Undersecretary Joel Egco, ginagarantiyahan ng nasabing batas ang karapatan ng mga mamamahayag na gampanan ang kanilang tungkulin alinsunod sa itinatakda ng konstitusyon.

Wala aniyang dapat ipangamba ang mga miyembro ng media lalo’t kung ang layunin nila ay maghayag  lang ng katotohanan at hindi ginagamit o nagpapagamit sa mga grupong sumusuporta sa terroristang grupo.

Dahil dito, sinabi ni Egco na nananatiling bukas 24 oras ang kanilang tanggapan para magbigay tulong sa mga mamamamahayg na makararanas ng anumang pagbabanta mula sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng militar at pulisya.