Pagkakaligtas ng isang British national at asawang Pinay ikinatuwa ng Britanya

0
52

Ikinalugod ng Britanya ang pagkakaligtas ng militar sa kanilang kababayan at asawa nitong Pinay na dinukot ng Abu Sayyaf nuong Oktubre.

Napag alamang nakausap na ng British Ambassador sa telepono ang mag asawang Allan at Wilma Hyrons at humihingi sila ng privacy dahil emosyonal pa sila sa kanilang sinapit.

Ayon sa British Embassy, nakipag tulungan sila sa pamahalaan ng Pilipinas sa nagdaang 2 buwan at nagpapasalamat sila partikular sa masigasig na pagsisikap ng Armed Forces na mahanap at mailigtas ang mag asawang Hyrons.