Tuesday, April 30, 2024

Pagkakaiba-iba ng posisyon sa estado ng COVID-19 sa bansa minaliit ng Palasyo

- Advertisement -

Minaliit ng Malacañang ang tila pagkakaiba iba ng posisyon ng mga opisyal ng pamahalaan kung nasa first wave o second wave ang estado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maliit na bagay ito at nagkakaiba-iba lang ng paggamit ng terminolohiya kung kailan darating ang big wave.

Para rin anyang mga abogado ang mga health experts na may kanya-kanyang interpretasyon sa syensya at sa datos.

Meron anyang bumasa, na ang tatlong kaso ng Chinese nationals noong January ang first wave na, pero para sa iba ay napakaliit naman ng tatlong kaso para ikunsiderang first wave.

Sinegundahan ni Roque ang DILG at iba pang health experts na nagsasabing first wave pa rin ang umiiral sa kasalukuyan.

Kung nagkaroon man anya ng iba’t ibang interpretasyon na ikinaalarma ng publiko ay humihingi sila ng paumahin.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa second wave na tayo ngayon ng COVID-19 na nagsimula ng Marso.

Ang first wave anya ay nangyari noong Enero nang ma-impeksyon ang tatlong Chinese nationals na galing ng Wuhan, China.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img