Pagkakaaresto kay Maria Ressa walang kinalaman sa press freedom —Palasyo

0
47

Iginiit ngayon ng Malacañang na walang kinalaman sa usapin ng press freedom ang pagkakaaresto kay Rappler CEO Maria Ressa kaninang umaga.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang mga kasong isinampa laban sa Rappler CEO at mga miyembro ng board nito ay hindi pagsupil sa karapatan sa pamamahayag bagkus ay dumaan sa tamang proseso at paunang imbestigasyon ang kaso na nakitaan ng probable cause upang arestuhin siya.

Pinayuhan ni Panelo si Ressa na harapin at pagtuunan na lamang ng pansin ang kasong kinahaharap niya.

Matatandaang inaresto si Ressa kanina sa NAIA Terminal 1 kaugnay sa kasong anti-dummy law.