Home Headlines Pagiging patas ng liderato ni Arroyo sa Kamara ibinida

Pagiging patas ng liderato ni Arroyo sa Kamara ibinida

0

Pinatunayan lamang ni dating pangulo ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal – Arroyo na patas at makatuwiran ang pagtrato nito sa lahat ng mga mambabatas.

Iyan ang inihayag ni Deputy Speaker at Capiz Rep. Fredenil Castro kasunod ng naging pahayag ni Ginang Arroyo na bibigyan pa rin ng alokasyong pondo ang mga mambabatas maging sila ma’y nasa oposisyon.

Ayon kay Castro, magandang simula aniya ito para kay Arroyo dahil sa naturang hakbang at tiyak na aani siya ng suporta mula sa mga mambabatas sa mababang kapulungan.

Magugunitang taliwas ito sa panunungkulan ng nuo’y speaker at Davao 2nd District Rep. Pantaleon Alvarez na naging kontrobersyal makaraang pagbantaan nito ang mga taga oposisyon na tatanggalan ng budget.

Pagiging patas ng liderato ni Arroyo sa Kamara ibinida was last modified: August 5th, 2018 by Jaymark Dagala

Exit mobile version