29.8 C
Manila
Monday, April 15, 2024

SK kagawad timbog sa buy bust sa Pasay

- Advertisement -

Kalaboso ang incumbent SK Kagawad ng Barangay 97, Zone 14, Pasay City na si Christian Joshua Leria matapos mahulihan ng mahigit isang kilo ng shabu at baril sa ikinasang buy bust operation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG.

Ayon sa mga otoridad, ikinasa ang operasyon kasunod ng natanggap nilang impormasyon na sangkot si Leria sa drug trafficking at gun running.

Kabilang din sa mga naaresto, ang 20 kalalakihan na sinasabing kasabwat ni Leria sa iligal nitong gawain.

Tinatayang nagkakahalaga ng P1.8 milyon ang iligal na droga na nakuha kay Leria kasama na ang  isang .38 caliber pistol.

Malaki naman ang posibilidad na matanggal sa pwesto bilang SK Kagawad si Leria dahil sa kinakaharap nitong kaso na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 at Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -