28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pagiging kalmado ng bulkang Taal hindi dapat ikakampante —Phivolcs

- Advertisement -

Hindi umano dapat makampante ang mga residenteng malapit sa bulkan Taal sa tila pagkalma nito ngayon.

Ito ang inihayag ng Phivolcs sa patuloy na ginagawang pag obserba sa pag-aalburoto ng bulkan Taal.

Ayon kay Ma. Antonia Bornas, pinuno ng Phivolcs Volcano Monitoring and Earthquake Eruption Division, posible pa ring pumutok ang bulkan anomang oras o araw sa kabila ng pananahimik nito.

Dahil dito, nananatili pa rin aniya ang rekomendasyon ng ahensya na huwag munang pabalikin ang mga residente sa loob ng 14 kilometer danger zone.

Sa ngayon ay nananatili pa rin nakataas sa Alert Level 4 ang bulkang Taal.

Sinabi ng Phivolcs na nakapagtala rin sila ng 9 na discrete weak explosions sa nakalipas na walong oras sa bulkan Taal.

Umabot umano sa 800 metro ang taas ng ibinubugang abo nito mula sa bunganga ng bulkan.

Patuloy din anila ang nararamdamang volcanic earthquakes na umabot sa halos 600 kada araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -