35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Paghingi ng tulong ni Santos sa China para sa gamot kontra COVID-19 walang masamang intensyon — Malakanyang

- Advertisement -

Walang masamang intensyon ang naging hakbang ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Felimon Santos na paghingi ng tulong sa gobyerno ng China para sa procurement ng gamot laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang masama sa naging hakbang ni Santos na hingin ang tulong ng China para makakuha ng carrimycin tablets— kahit hindi pa ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo na malaki ang paniniwala ni Santos na ang nasabing gamot ang nakapag pagaling sakaniya sa COVID-19.

Gayunman, sinabi naman ni Roque na kung gagamitin sa bansa ang nasabing gamot ay kailangan muna itong dumaan sa pagsusuri at maaprubahan ng FDA.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -