Paghingi ng political influence ng Pamilya Sanchez upang makalaya si ex-Calauan mayor nalantad sa senado — senate hearing

0
32

Nalantad sa senado ang ginawang pagla-lobby ng Pamilya Sanchez upang makalaya si dating Clauan mayor Antonio Sanchez.

Sa hearing ng Senate Blue Ribbon at Justice and Human Rights Committees, nabunyag na sumulat ang Pamilya Sanchez kay Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, dating justice Arturo Brion at maging kay dating unang ginang Imelda Marcos.

Nabunyag rin na si Presidential Spokesman Salvador Panelo, na dating abogado ni Sanchez, ang nag-endorso ng mga liham sa Board of Pardons and Parole.

Gayunman, sa kabila ng referral ni Panelo, nagpasya ang board na ibasura ang apela ni Sanchez na commutation of sentence dahil hindi ito kwalipikado.